^

Bansa

Duterte mananatiling nakakulong sa ICC

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte mananatiling nakakulong sa ICC
Photos courtesy of the International Criminal Court show former president Rodrigo Duterte during his first in-person appearance before the tribunal since his arrest in March 2025.
Photos/ICC | via Janvic Mateo

MANILA, Philippines — Mananatili si dating pangulong Rodrigo Duterte sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, ­Netherlands, kahit pa may mga panawagan mula sa ibang bansa na umaklas sa tribunal.

Ayon kay ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti, ang pag-aklas ng ilang bansa o panawagan ng mga lider tulad ni US Pres. Donald Trump ay hindi awtomatikong mag-aalis o magdi-dismiss sa mga kaso ng crimes against humanity laban kay Duterte.

Nanawagan si Trump sa mga bansang kasapi ng ICC na umaklas na rito.

Matatandaan na nagkaisa rin sa desisyon ang mga hukom ng Trial Chamber III ng ICC na panatilihing nakadetine si Duterte.

Muling nakita ng publiko si Duterte sa unang pagkakataon noong Setyembre 16 mula nang madetine siya sa ICC noong 2025, matapos dumalo sa status conference ng kaniyang kaso.

Nakatakdang magsimula ang paglilitis laban kay Duterte sa darating na November 30.

Si Duterte ay nahaharap sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng mga nangya­ring patayan sa kaniyan­g war on drugs campaign noong nakaupo siyang pangulo ng bansa, at bilang alkalde ng Davao City.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with