Globe may pinakamalakas na network performance ngayong 2026 — DICT

MANILA, Philippines — Naitala ng Globe Telecom ang pinakamalakas nitong network performance ngayong 2026 matapos makuha ang pinakamataas na overall score at pinakamabilis na average download speed noong Agosto, ayon sa pinakahuling Telco Report Card ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Batay sa ulat ng ahensya, nakapagtala ang Globe ng overall score na 81.5, mas mataas ng 4.4 puntos kumpara noong Enero. Umabot naman sa 45.9 Mbps ang average download speed nito, ang pinakamataas na naitala ngayong taon. Mas mabilis ito ng 5.1% kumpara noong Hulyo at 26% mas mataas kaysa sa 36.5 Mbps na naitala sa simula ng taon.
Tumaas din ang network quality score ng Globe sa 71.2 mula sa dating 69.2, habang nanatiling nasa 20 milliseconds ang latency.
Ayon sa Globe, bunga ito ng patuloy nitong pamumuhunan sa network infrastructure at pakikipagtulungan sa pamahalaan, kabilang ang National Telecommunications Commission (NTC) upang mapahusay ang kalidad ng telecommunication services sa bansa.
Patuloy na nakikipagtulungan ang NTC sa mga telecommunications provider upang mapabuti ang serbisyo at mapalakas ang internet connectivity para sa mga Pilipino.
Kabilang sa mga inisyatiba nito ang tuloy-tuloy na network investments, technology upgrades at iba pang hakbang ng Globe para mapaganda ang customer experience lalo na sa mga lugar na limitado pa rin ang koneksyon.
“Customers need a network they can depend on every day, and that goes beyond speed. It means being able to stay connected consistently, including during periods of high demand, disruptions and emergencies,” ayon kay Globe General Counsel Atty. Froilan Castelo.
“The progress we are seeing shows that our investments are making a difference, but there are still communities where the experience needs to be better. That is where we need to keep pushing,” dagdag pa niya.
Sa unang kalahati ng 2026, umabot sa P26.3 bilyon ang capital expenditures ng Globe, kung saan 91% nito ang inilaan sa data-related initiatives.
Dahil sa pagtutok nito sa network consistency, apat na magkakasunod na beses na kinilala ang Globe bilang Most Consistent Mobile Provider batay sa Ookla Speedtest Intelligence data mula ikalawang kalahati ng 2024 hanggang unang kalahati ng 2026.
Pinalalakas din ng kompanya ang network resilience sa pamamagitan ng automation. Sa ilalim ng Automated Outage Response technology nito, maaaring mapanatili ang hanggang 50% ng data connectivity kapag may service interruption, kumpara sa mas mababa sa 10% kung wala ang naturang sistema.
Noong Hulyo, nakapagbigay ang Globe ng mobile connectivity sa 52 dating unserved na Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) na kumumpleto sa pangako ng kompanya at ng gobyerno na ma-activate ang serbisyo sa lahat ng 180 lokasyon sa ilalim ng connectivity initiative ng DICT.
- Latest






















