^

Bansa

P100K reward alok sa ‘missing’ beauty queen

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P100K reward alok sa �missing� beauty queen
Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon
Miss Grand Philippines via Facebook

MANILA, Philippines — Nag-alok ng P100,000 reward si Batangas Vice Governor Mark Leviste para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng missing na beauty queen na si Miss Grand Philippines 2023 candidate Cathernine Camilon.

Sinabi ni Leviste ang P100,000 na kaniyang iniaalok ay inaasahan niyang makakatulong para mahanap na si Camilon, 26, na napaulat na nawawala noon pang Oktubre 12.

Ayon kay Leviste, personal na binisita niya ang pamilya ni Camilon sa kanilang tahanan sa Tuy, Batangas at binigyan ang mga ito ng pinansyal na suporta.

Sinabi ni Leviste na tinawagan din niya ang himpilan ng Tuy Police para hingan ang mga ito ng progreso ng imbestigasyon sa paghahanap kay Camilon.

Sa kasalukuyan, ayon sa Tuy Police ay patuloy ang kanilang search ­operations upang mahanap ang beauty queen.

Magugunita na si Camilon ay lulan ng Nissan Juke SUV (NEI 2290) na kulay metallic na abo na may kakatagpuin sa Bauan, Batangas nang mabigo itong makabalik sa kanilang tahanan.

Kaugnay nito, iniha­yag naman ni Batangas Police Director P/Col. Samson Belmonte na inatasan na niya ang lahat ng units at himpilan ng pulisya sa buong lalawigan na paigtingin pa ang pangangalap ng impormasyon upang mahanap si Camilon.

Nanawagan din ang opisyal sa publiko na agad kontakin at mag­report sa pulisya kung may nalalaman ang mga itong mga impormasyon na makakatulong sa paghahanap sa beauty queen.

vuukle comment

MISSING

REWARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with