^

Bansa

LPA malapit sa Cagayan maaaring maging bagyo — PAGASA

Philstar.com
LPA malapit sa Cagayan maaaring maging bagyo � PAGASA
Ang naturang LPA ay nasa 570 km silangan ng Aparri, Cagayan kaninang Miyerkules nang madaling araw, ayon sa state weather bureau.
RAMMB

MANILA, Philippines — Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area sa silangan ng Cagayan, bagay na posible maging bagyo sa mga susunod na araw.

Ang naturang LPA ay nasa 570 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan kaninang Miyerkules nang madaling araw, sabi ng state weather bureau sa kanilang ulat panahon.

“Base sa pinakahuling datos natin, hindi natin inaalis ‘yung posibilidad na ito ay maging bagyo sa mga susunod na araw,” sabi ni Obet Badrina, weather specialist ng PAGASA.

Tatawagin itong bagyong "Goring" kung sakaling maging tropical depression sa loob ng Philippine area of responsibility.

Dahil sa LPA, binanggit na magdadala ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Cordillera at Cagayan Valley.

Binanggit din na may epekto pa rin ang Habagat sa bansa na magdadala ng maulap na kalangitan na may malaking tiyansa ng pag-ulas sa Visayas, Mindanao, MIMAROPA, Bicol Region, at bahagi ng Bataan at Zambales.

Sa kabila nito, walang nakataas na Gale Warning o babala sa pagpalaot ng mga bangka.

Aniya magiging banayad hanggang katamtaman ang pag-alon ng mga karagatan sa bansa na maaaring maging mapanganib sa mga thunderstorms. — intern Matthew Gabriel

vuukle comment

GORING

LOW PRESSURE AREA

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with