DOH bumibili ng mae-expire na mga gamot kapalit ng kickback – Tulfo
MANILA, Philippines — Inakusahan ni Senador Raffy Tulfo ang Department of Health (DOH) na sadya umanong bumibili ng mga gamot na malapit nang mag-expire mula sa mga paboritong supplier kapalit ng “kickbacks.”
Sa deliberasyon ng Senado nitong Biyernes, Setyembre 4, hinarap ni Tulfo si bagong talagang Health Secretary Edwin Mercado hinggil sa posibleng modus na nagdulot ng pagkasira at pag-expire ng bilyun-bilyong pisong halaga ng mga gamot sa mga bodega ng gobyerno.
Ayon sa senador, umabot sa hindi bababa sa P11 bilyon ang halaga ng mga expired na gamot noong 2023 na “ibinaon sa lupa.”
“Dapat diyan may makulong. Dapat diyan may mapugutan ng ulo eh. Napaka-eskandalo ng amount na ’yan,” ani Tulfo.
Kinuwestiyon din niya ang DOH kung matitiyak nitong hindi mag-e-expire ang mga gamot na bibilhin para sa 2027 bago magamit. Dagdag pa niya, ayon sa kanyang source, sinasadyang bilhin ang mga “about to expire” na gamot dahil mas mura at mula sa mga supplier na pinapaboran.
- Latest




















