^

Bansa

Disruption ng RFID system sa SLEX, bubusisiin ng TRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bubusisiin ng Toll Regulatory Board (TRB) ang disruption ng RFID system sa South Luzon Expressway (SLEX) na sinasabing naging ugat ng mabagal na daloy ng sasakyan sa lugar papuntang Metro Manila.

Niliwanag naman ng San Miguel Corporation na siyang nangangasiwa sa SLEX na ang naturang problema ay mula sa fiber optics ng kanilang internet provider kayat nagkaroon ng problema sa sistema ng RFIDs.

Ayon kay TRB spokesperson Julius Corpuz, layunin ng pagbusisi na hindi na muling mangyari ang insidente.

“Gagawa tayo ng masusing pag-aaral, pag-iimbestiga sa sitwasyong nangyari kahapon. ‘Yung fiber optic cable ata nila ay nagkaroon ng diperensya kaya ang communication system network ay nag-down. Dulot yan ng hindi mabasa at hindi maakyat ang barrier, humaba ang traffic,” paliwanag ni Corpuz.

Sinabi ni Corpuz na pinagpapaliwanag na nila ang telco provider ng SMC kung bakit naganap ang insidente.

“Humihingi kami ng kanilang paliwanag sa pangyayari na ito para malaman kung ano ang kanilang dahilan, tama ba ang kanilang ginawa, at nasa tamang panahon ba ang prevention measures na naibigay,” dagdag ni Corpuz.

Anya, magsasagawa sila ng regular audit ng toll collection systems para matiyak na ang lahat ng makina at ang sistemang naipatutupad ay gumagana ng maayos at oras anya na magkaroon ng problema ay agad na makapagsasagawa ng kaukulang hakbang para dito.

Sinasabing dahil sa problema ay maraming sasakyan ang naapektuhan.

vuukle comment

RFID

SLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with