^

Bansa

Higit 17K kaso ng pneumonia, naitala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Sa loob ng 6 buwan

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang bansa ng mahigit 17,000 kaso ng pneumonia sa unang anim na buwan ng 2022, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pinakahuling datos mula sa DOH-Epidemiology Bureau, sa 17,848 indibidwal na nagkasakit ng pneumonia - 8,934 ang babae at 8,914 ang lalaki.

Karamihan ay mula 1-4 age group, sinundan ng 29 days to 11 months at 5-9 age group.

Ang CALABARZON ang rehiyon na may pinakamataas na kaso na 3,828. Sinundan ng Northern Mindanao sa 3,425 at Cagayan Valley na mayroong 3,295.

Ang Cordillera Administrative Region ay mayroong 2,394 at Davao, 1,541.

Sa ilalim ng CALABARZON, ang Batangas ang may pinakamaraming kaso ng pneumonia na nasa 1,429. Sinundan ito ng Rizal na may 1,066 na kaso, Quezon na may 874, at Laguna na may 190, habang ang Cavite ay may 20 kaso na  pinakamababa.

Sa Northern Mindanao, ang Lanao del Norte ang nagtala ng pinakamaraming kaso na may 1,284. Bukidnon at Misamis Occidental na may 405 at 286 na kaso, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, mayroong 61 kaso sa Misamis Oriental.

Sa Cagayan Valley, Isabela ay may pinakamataas na 2,562; ikalawa ang Nueva Vizcaya, 249; Cagayan, 245; Quirino, 154 ; at Batanes, 4.

vuukle comment

DOH

PNEUMONIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with