^

Bansa

‘Eddie Garcia Law’ pirmado na ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
âEddie Garcia Lawâ pirmado na ni Pangulong Marcos
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Ganap nang batas ang Republic Act 11996 o ang “Eddie Garcia Law” matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na naglalayong maprotektahan ang kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Sa ilalim ng bagong batas, inaatasan nito ang mga employer na protektahan ang kanilang mga manggagawa at magpatupad ng mga oras ng trabaho, sahod at iba pang benepisyo na may kaugnayan sa pasahod.

Gayundin ang pagbibigay ng social security o iba pang benepisyo, pa­ngunahing pangangailangan, kalusu­gan at kaligtasan, kondisyon at pamantayan sa pagtatrabaho at insurance.

“All workers shall also be covered by and entitled to benefits provided by the Social Security System (SSS), the Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund, and the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth),” nakasaad sa batas.

Ang Eddie Garcia Bill ay isinulong sa Kongreso matapos maaksidente ang 90 taong gulang na aktor habang nasa movie set sa Tondo, Maynila noong 2019.

Matapos ang dalawang linggo na pagkaka-comatose ay pumanaw ang beteranong aktor.

Base sa batas, bago sumabak sa trabaho ang isang aktor o empleyado sa telebisyon at pelikula dapat ay may kasunduan o employment contract muna na lalagadaan sa lenguwaheng mauunawaan ng bawat partido.

Ang sinumang mapapatunayang lumabag sa nasabing batas ay pagmumultahin ng hanggang P100,000 sa unang paglabag hanggang P200,000 sa pangalawa at hanggang P500,000 sa ikatlo at susunod pang mga paglabag.

vuukle comment

LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with