La Niña papasok sa Hulyo - PAGASA
MANILA, Philippines — Inaasahan na papasok sa bansa ang panahon ng La Niña Phenomenon sa 3rd quarter ng taong ito o simula sa Hulyo.
Sinabi ni Weather Specialist Joey Figuracion na bagamat may epekto pa rin ang El Niño sa ngayon dahil may panahon na maalinsangan pa rin ay kailangan nang paghandaan ang pagpasok ng La Niña.
Ang La Nina phenomenon ay ang mas maraming ulan kaysa sa normal na rainy season at ang mga papasok na bagyo ay maraming magaganap na landfall.
Hindi pa naman anya pormal na maideklara ng PAGASA na tag-ulan na sa panahon na pumasok ang bagyong Aghon dahil ang pagdedeklara ng tag-ulan ay mula lamang sa west side ng bansa. Ang Eastern Side anya ng bansa ay nakakaranas na ng pag-ulan.
Sa ngayon din anya ay wala pang namamataang bagong bagyo na papasok sa bansa.
- Latest