122 Chinese vessels nakakalat sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines — Sa kabila ng fishing ban sa South China Sea na ipinatupad ng China, sinabi ng Philippine Navy na nasa 122 Chinese vessels ang namataan sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Navy Spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga Chinese vessels na namonitor sa WPS mula Mayo 21 hanggang 27 ay limang Chinese Coast Guard vessels(CCGVs) 14 Chinese Maritime Militia vessels (CMMVs) sa Bajo de Masinloc; limang CCGVs, 17 CMMVs sa Ayungin Shoal; isang CCGV, 34 CMMVs at isang PLAN ship, Pag asa Island; tig 1 CMMV sa Kota at Lawak Island; tatlo sa Panata Island; dalawang CCGVs at dalawang CMMVs sa Patag Island; dalawang CCGVs, apat PLAN ships at 30 CMMVs sa Sabina Shoal.
Gayunman, nilinaw ni Trinidad na hindi kinikilala ng PN ang ipinatutupad na fishing moratorium ng China sa SCS at sa WPS.
Sa katunayan, dinagdagan na rin ang pagpapatrol sa WPS, Bajo de Masinloc kasunod ng pagpapatupad ng external defense at Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).
Ang fishing ban ay kasunod ng pahayag ng China na aarestuhin at ikukulong ng 60 araw na walang paglilitis na magaganap ang mga mangingisda na mahuhuli sa WPS.
- Latest