^

Bansa

‘Unli’ hearing ng Senado kay Guo ‘di pipigilan - Escudero

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaaring magsagawa ng ‘unli’ probe ang Senado kay Bamban, Tarlac Mayor  Alice Guo, ayon kay Senate President Francis “Chiz”  Escudero.

Sinabi ni Escudero nitong Martes na hindi siya papayag na pigilan ang imbestigasyon ng Senado kay Guo hanggang makuha ni Senator Risa Hontiveros ang nais niyang makuhang impormasyon.

“Puwede siyang mag-hearing nang unli hanggang gusto niyang mag-hearing o hanggang matapos ang nais niyang makuha ang impormasyon at kaalaman para maghain ng panukalang batas na magagamit ng ating mga kababayan at bansa,” ani Escudero.

Ipinunto rin ni Escudero na may inihaing resolusyon si Hontiveros at desisyon niya bilang chairman ng Senate Committee on Wo­men, Children, Family Relations and Gender Equality kung hanggang saan ang pagdinig.

“May resolusyon na inihain si Sen. Risa at desisyon ng chairman kung itutuloy ‘yan o hindi at hanggang saan. At ang nagsisilbing giya para sa hearing na ‘yan ay ‘yung resolusyon inihain mismo ni Sen, Risa,” ani Escudero.

Iniimbestigahan ng komite ang diumano’y human trafficking at mga criminal activities na nauugnay sa mga offshore gaming ope­rations, kabilang ang mga sinasabing may kaugnayan kay Guo.

Kinontra ni Escudero ang sinasabi ni Teresita Ang See na nagiging anti-China na ang “narrative” sa imbestigasyon.

“Pinapayuhan ko rin si Ms. Ang See na suriin ‘yung resolusyon dahil ‘yan ang magiging giya at tema dapat ng pagdinig,” wika niya.

Iimbitahan sa susunod na pagdinig ang sinasabing ama ni Guo na si Chinese national Jian­zhong Guo o Angelito Guo.

vuukle comment

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with