^

Bansa

Panelo nagpasalamat sa El Shaddai

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Panelo nagpasalamat sa El Shaddai
Ang El Shaddai ang pinakamalaking charismatic Catholic group sa bansa na may 8 milyong miyembro.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasungkit ni PDP Laban Senatorial candidate Salvador “Sal Panalo” Panelo ang suporta ng El Shaddai sa kanyang kandidatura noong Mayo 7, Sabado.

Ang El Shaddai ang pinakamalaking charismatic Catholic group sa bansa na may 8 milyong miyembro.

Sa isang Facebook post, pinasalamatan ng dating Chief Legal Counsel at Spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang El Shaddai at ang servant leader nito na si Bro. Mike Velarde para sa kanilang suporta.

“Sa tulong niyo, matutugunan ko sa Senado ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan, lalo na ang mga batang may kapansanan at PWD. Kung itakda ng Diyos na ako’y manalo, makaasa kayo na hindi ko kayo at sila bibiguin, ” sabi ni Panelo

Si Panelo, na naging ama ng isang child with disability (CWD), ay nagsusulong ng mga panukalang magbibigay ng libreng special education at therapy para sa CWDs, at magtatayo ng nursing homes para sa mga naulila o naabandonang CWDs.

vuukle comment

PDP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with