^

Bansa

Panelo: ‘Gulatan sa May 9’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakagulatan sa May 9, araw ng halalan, ayon kay PDP Laban Senatorial candidate Salvador “Sal Panalo” Panelo.

Sinabi ng dating Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bagamat hindi pa siya umaabot sa top 12 sa mga survey, kumpiyansa siya sa suporta ng tao sa kanyang kandidatura.

“Tiwala ako na mananalo tayo dahil mainit ang pagtanggap ninyo sa akin saan man ako magpunta, at tila wala sa inyo ang nahagip ng survey. Marami ring grupo ang boluntaryong nangangampanya para sa atin, at libo libo na ang absentee voters na nagsabi na binoto nila ako.” ang sabi ni Panelo sa isang Facebook post.

“Kaya dalawa lang ang puwedeng mangyari… magugulat ako na hindi tayo nanalo, o magugulat sila na panalo tayo,” ani Panelo.

Ayon pa kay Panelo, ano man ang mangyari ay itinuturing niyang malaking tagumpay ang kaniyang kampanya dahil naging instrumento ito sa pagtaas ng kaalaman sa kalbaryo ng children with disabilities (CWD) at ng kanilang pamilya. Pangunahin sa plataporma ni Panelo ang pagbibigay ng suporta at paglaban sa mga karapatan ng mga CWDs.

vuukle comment

PDP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with