^

Bansa

Sara nagpasalamat kay Bong Go

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasalamat si Da­vao City Mayor Sara Duterte kay Sen. Christopher “Bong” Go dahil sa pagtugon nito sa panawagan na magkaisa ang mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagaman at hindi tahasang binanggit ang pangalan ni Go, sinabi ni Sara na nagpapasalamat siya at dininig nito ang kanyang request.

“I am thankful for your heeding my request,” ani Sara.

Sinabi ni Sara na matapos niyang ilunsad ang kanyang kandidatura para sa pagka-bise presidente ng bansa, nanawagan siya sa lahat nang sumusuporta sa administrasyong Duterte na magkaisa sa isang misyon na ipagpatuloy ang mabuting nasimulan ng kanyang ama.

Inulit pa ni Sara ang sinabi ni Go na iuurong niya ang kanyang kandidatura para sa pagkakaisa ng kanilang mga lider at mga tagasuporta.

Bagaman at inihayag na ni Go na hindi na tatakbong presidente, hindi pa siya pormal na naghahain ng withdrawal ng kanyang kandidatura.

Dahil sa pag-atras ni Go, nawalan ng presidential candidate ang PDP-Laban kung saan nakaupong chairman si Duterte sa kanilang paksiyon.

Hindi pa rin malinaw kung sino na ang susuportahan ni Duterte sa pagka-presidente matapos umatras ni Go.

vuukle comment

MAYOR SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with