^

Bansa

17 ‘Pulis Magiting’ pinarangalan ng PNP, Ayala Foundation

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang police lieutenant na hindi nag-dalawang isip i-breast feed ang isang sanggol na natagpuan sa Barangay Old Capitol Site sa Quezon City; isang corporal mula sa Iloilo na nagpamahagi ng face shields at grocery items sa kanyang komunidad mula sa unang araw ng pandemya; at isang off-duty na sergeant mula sa Negros Oriental na tumulong sa pagligtas ng isang PWD mula sa nasusunog na bahay.

Ang mga inilarawang pulis ay ilan lamang sa 17 awardees ng Pulis Magiting X Pinoy Magiting Award, isang programa ng Ayala Foundation at Philippine National Police.

Inilunsad kahapon sa PNP Headquarters sa Camp Crame ang pagkilala ng Pulis Magiting X Pilipinong Magiting ang mga unipormadong tauhan na nagpapakita ng kabutihan o “kagitingan” sa loob at labas ng kanilang tungkulin.

Kada buwan, paparangalan ng Pulis Magiting X Pilipinong Magiting ang aabot sa 15 hanggang 20 pulis. Mag-uumpisa ang programa sa National Capital Region, Calabarzon, Western Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, at Davao Region.

Ang bawat Pulis na Magiting X Pilipinong Magiting awardee ay makakatanggap ng certificate of appreciation, cash award mula sa GCash at gift certificate mula sa Chooks-to-Go.

“Many police officers perform their duty with integrity, but this fact is often buried under the misbehavior of a few. Worse, it seems as if we have given up telling the stories of the good cops within our ranks. It is now time to tell and take pride in the stories of our heroic cops,” pahayag ni PNP Chief Ge­neral Guillermo Eleazar.

“Bilang paggunita sa 60th anniversary ng Ayala Foundation, ang Pulis Ma­giting X Pilipinong Magi­ting ay isang proyektong nabuo dahil sa paniniwala at pagkakaisa ng business sector at ng civil society na kapag kinilala mo ang kabutihan nino man, pipiliin nilang maging magiting, at gagawin nila ang tama para sa kapwa at bayan,” saad naman ni Ruel Maranan, presidente ng Ayala Foundation.

vuukle comment

PULIS MAGITING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with