^

Bansa

'Drive thru' COVID-19 testing gamit ang laway umarangkada sa malls

Philstar.com
'Drive thru' COVID-19 testing gamit ang laway umarangkada sa malls
Kinukunan ng saliva samples ang lalaki't babaeng ito para masuri kung sila'y may coronavirus disease (COVID-19), ika-2 ng Pebrero, 2021
Released/Sen. Richard "Dick" Gordon

MANILA, Philippines — Mahilig ka bang mag-"drive thru" tuwing gutom? Baka matripan mong bumisita sa bagong tayo ng Philippine Red Cross (PRC) sa ilang malls — hindi para sa fast food ngunit sa coronavirus disease (COVID-19) testing.

Ayon kay PRC chairperson Sen. Richard Gordon, Martes, mas madali nang magpasuri kung tinamaan ka na ng nakamamatay na virus sa ngayon, bagay na dumapo na sa 528,853 katao sa bansa

"Mas accessible na ang Red Cross Saliva RT-PCR test sa ating mga kababayan dahil mayroon na tayong Drive-Thru collection centers sa mga SM Supermalls," sambit ni Gordon kanina.

"Ang mga makukuha nilang samples ay ipapadala sa mga ating molecular laboratories upang maisalang sa RT-PCR machines at lalabas ang resulta sa loob ng 12-24 hours!"

Hindi gaya ng karaniwang tests na gumagamit ng nasopharyngeal swabs, walang aray ang nasabing procedure — kailangan lang kasing gumamit ng laway. Sa ngayon, P2,000 lang ang singil dito na maaari pang ibaba sa P1,500.

Mas mura 'yan nang husto kumpara sa P3,800 hanggang P5,000 karaniwang swab tests sa pampubliko at pribadong pasilidad. Pwede ring mag-book ng appointment dito kung interesado.

Sa kabila ng convenience, maraming bawal gawin bago sumailalim sa pagsusuri ng laway, gaya na lang ng paggamit ng lipstick at pagkain 30 minutos bago ang test.

Tanging Red Cross pa lamang ang pinahihintulutan ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng saliva testing sa Pilipinas sa ngayon. Kailangan pa naman daw antayin pa ang validation results ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) bago ito igulong sa lahat ng laboratoryo sa Pilipinas.

"Testing is still the key. Kung hindi tayo gagalaw, maghihirap lalo ang mga Pilipino. With these drive-thru centers, accurate testing will be much quicker and easier!" kanyang panapos. — James Relativo

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE RED CROSS

SALIVA

SM SUPERMALLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with