^

Bansa

Bong Go sa DSWD: Serbisyo sa mahihirap, vulnerable iprayoridad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa gitna ng mga ki­nakaharap na pagsubok at hamon sa isinasagawang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga kababayan nating naapektuhan ng COVID-19 pandemic, muling idiniin ni Senator Christopher “Bong” Go ang paalala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyaking laging nauuna sa iba’t ibang serbisyong panlipunan ang mga mahihirap at vulnerable sectors.

Nitong Martes, sa budget hearing ng Senate para sa panukalang pondo ng DSWD, pinuri niya at pinasalamatan ang DSWD sa pagsisikap nitong maipamahagi sa ating mga kababayan sa iba’t ibang sulok ng bansa ang COVID-19 cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Aminado ang senador na dahil sa patuloy na public health crisis at ipinaiiral na quarantine measures ay naging mahirap ang proseso sa pamamahagi ng cash aid.

Ngunit sa kabila ng mga hamon, sinabi ni Go na hindi ito dapat maging hadlang para magawa ng DSWD ang kanilang mandato na pagsilbihan ang mahihirap at vulne-rable sectors.

Pinuri rin niya ang mga Filipino na sa kabila ng hirap at gutom na dinaranas dulot ng pandemic ay nagagawang maging tapat at magsauli ng pera mula sa SAP matapos ma­katanggap ng doble.

Ayon sa mambabatas, patuloy niyang sinusuportahan ang DSWD pero mahigpit na ipinaalala na palaging i-prioritize ang kapakanan ng ating kapwa lalo na ngayong krisis.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with