^

Bansa

Pag-alis ng peco sa Iloilo City ‘di ‘hostile takeover’ - Rep. Pimentel

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala umanong basehan ang alegasyon na may magaganap na ‘hostile takeover’ sa Iloilo City kung ang magiging desisyon ng Supreme Court sa power dispute sa lungsod ay papabor sa bagong distribution utility na More Electric and Power Corp. (More Power).

Ayon kay Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, self serving o pansariling interes lamang umano ng Panay Electric Company (PECO) ang pinoprotektahan nito nang sabihing ang judicial ruling ng SC na papabor sa More Power ay magbibigay ng lehitimasyon sa hostile takeovers ng mga kumpanya at prangkisa mula sa mga interesadong kumpanya nang hindi kinakailangang magpakita ng kakayahan, expertise o industy history.

Ani Pimentel, hindi inalis ang serbisyo ng PECO bilang power supplier sa Iloilo para paboran ang isang bagong kumpanya kaya walang katotohanan na mayroong hostile takeover bagkus inalis umano ang PECO dahil inayawan mismo ng mga consumer ang kanilang serbisyo.

Giit ni Pimentel na nakita ng Kamara ang mga reklamo laban sa PECO na siyang basehan kaya tinanggalan ito ng legislative franchise.

“I was always present during the hearings of the renewal of their franchise and I have thorough knowledge of their poor performance and several violations with the Energy Regulatory Commission (ERC),” dagdag pa nito.

Nanindigan si Pimentel na hindi magiging masama sa pagnenegosyo sa bansa kung aalisin ang mga kumpanya na hindi naman maganda ang serbisyong ibinibigay.

Umaasa naman si Pimentel na rerespetuhin at kikilalanin ng SC ang naging desisyon ng Kongreso na ibigay ang legislative franchise sa kung sino ang karapat dapat bilang syang hurisdiksyon nito.

Sakali man umano na maging baliktad ang desisyon ng SC at pumabor sa PECO ay hindi rin ito masasabing tagumpay para sa kumpanya dahil hindi rin sila makakapag-operate matapos silang tanggalan ng prangkisa ng Kamara.

Magugunitang nagpasaklolo ang PECO sa Mandaluyong City RTC Branch 29 at nakakuha ng pabor na desisyon. Pinigilan naman ng SC ang kautusan ng korte at nagpalabas ng TRO pabor sa More Power pero umapela ang PECO.

 

vuukle comment

JOHNNY PIMENTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with