^

Bansa

DOH: COVID-19 cases sa Pinas, ‘mild’ pa rin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOH: COVID-19 cases sa Pinas, �mild� pa rin
Individuals walk along the LRT Monumento Station during rush hour in Caloocan on May 16, 2024.
The STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sa kabila nang napapaulat na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na dulot ng mga bagong variants sa ibang bansa ay wala pa ring dapat na ikabahala ang publiko dahil nananatili pa ring ‘mild’ at ‘manageable’ ang mga kaso ng sakit sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, patuloy nilang binabantayan ang COVID-19 case counts at minomonitor ang mga newly designated variants ng virus.

Base anila sa datos, hanggang noong Mayo 20, 2024 ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay nananatili pa ring ‘low risk’ sa COVID-19.

Wala pa rin anilang scientific basis para sa pagpapatupad ng travel restrictions laban sa anumang bansa dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

“The voluntary use of face masks should be done properly, along with standard precautions like hand washing, avoiding crowds, and choosing good airflow,” aniya.

Kaugnay nito, aminado ang DOH na maaaring nakapasok na rin sa bansa ang Omicron subvariants (i.e. KP.2, KP.3) ngunit tiniyak na nananatili pa ring clinically mild at manageable ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nabatid na iniiwasan din ng DOH ang paggamit ng salitang “FLiRT” upang tukuyin ang mga subvariants, dahil ang naturang termino ay ‘informal’ at ‘casual’ at ang paggamit nito ay maaaring magresulta sa ‘miscommunication’ ng health risk.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with