Pangulong Marcos itinangging may kinalaman sa pagpapatalsik kay Zubiri
MANILA, Philippines — Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may kinalaman siya sa pagtanggal kay dating Senate President Juan Miguel Zubiri.
Sa kabila nito, inamin naman ng Pangulo na alam niya na papalitan si Zubiri ni Escudero.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Zubiri na utos sa kanya na hindi niya nagawa.
“I guess if you are Senate President the only power that be is the President. So, I am not sure what he is referring to, if there is a specific instance or just as a general principle. I don’t know I have not spoken to him about it,” pahayag ni Marcos sa Kapihan with the media sa Brunei.
Dahil dito kaya mahirap umanong sagutin ito, dahil hindi niya alam ang tinutukoy na instructions ng dating Senate president.
Nalaman na lamang anya niya na napalitan na ang liderato sa Senado nang tanungin kung ano ang kanyang reaksyon dito at hindi rin siya nakipag-usap sa kahit kaninong partido dahil nasa out of town siya noong nangyari ang palitan ng liderato.
Sa kabila nito, sinabi ni Pangulong Marcos na may tiwala pa rin naman siya kay Zubiri.
Nilinaw ng Pangulo na desisyon ng liderato ng Senado ang nangyari at hindi siya kaya hindi maapektuhan ang kanyang trust and confidence kay Zubiri.
- Latest