^

Bansa

Alok na P100 milyon para manalo sa eleksiyon, scam lang

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa nalalapit na 2025 National and Local Elections (NLE) na huwag maniwala sa mga taong nag-aalok sa kanila ng panalo sa eleksiyon, kapalit ng pagbabayad ng cash na mula P50 milyon hanggang P100 milyon.

Sa ambush interview kahapon, ibinunyag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na nakatanggap sila ng mga ulat na may mga taong nag-iikot sa buong bansa at nanloloko ng mga kandidato o prospective candidates, na hinihikayat nilang magbayad ng mala­king halaga, kapalit ng tiyak na panalo sa halalan.

Modus operandi umano ng mga naturang indibidwal na magpanggap na may kakilala sila sa loob ng Comelec at kung magbabayad sila ng milyun-milyong piso ay makasisigurado silang mananalo sa halalan. Paglilinaw ni Garcia, ito’y isang scam lamang.

Hinikayat din niya ang mga kandidato na huwag maniwala sa mga ­naturang indibidwal at sa halip ay kaagad na ipaaresto ang mga ito.

Tiniyak din naman ni Garcia sa publiko na walang paraan upang madaya ang resulta ng halalan.

Aniya, may mga pamamaraan ang mga bagong makina na gagamitin sa halalan upang ma-countercheck kung magkakaroon ng ‘pagbabago’ ng resulta.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with