^

Bansa

Pagsasabatas ng Eddie Garcia Law, pinuri ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang pag­lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang batas na magpapalakas ng proteksyon sa mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Noong Martes, nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang Republic Act 11996, kilala rin bilang “Eddie Garcia Law” na ipinangalan sa yumaong cinema legend. Isa si Go sa nag-akda ng panukala.

Hinggil sa pagpasa ng batas, ipinahayag ni Go ang kanyang mataas na pagrespeto sa kontribusyon ng entertainment sector sa kultura at ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon kay Go, ang industriya ng pelikula at entertainment ay hindi lamang nagbibigay-aliw bagkus ay nakukuha rin ang esensya ng buhay ng mga Pilipino at hinuhubog ang ating pambansang pagkakakilanlan.

Sa pagsasabatas ng Eddie Garcia Law, tinitiyak na ang karapatan at kapakanan ng mga nagtatrabaho sa likod ng kamera ay protektado.

Ani Go, iniuutos ng bagong batas ang patas na oras ng trabaho, tamang sahod, at iba pang benepisyo. Binibigyang-diin din nito ang pagiging inklusibo at patas na pagtrato sa mga manggagawa, anuman ang lahi, etnisidad, o relihiyon.

Bilang isa sa gumanap ng mahalagang papel sa pagtutulak ng panukalang batas, pinuri ni Go ang collaborative effort ng lahat ng nasa likod nito.

Bilang tagapangulo rin ng Senate committee on health and demography, ikinagalak ni Go na ang Eddie Garcia Law ay nakaayon sa mga umiiral na batas sa kalusugan at kaligtasan, tulad ng Mental Health Act at Occupational Safety and Health Standards Law.

Napakahalaga aniya na tutukan din ang mental well-being ng mga manggagawa na araw-araw ay iniaalay ang kanilang sarili sa kanilang craft sa entertainment.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with