^

Bansa

Archbishop Oscar Cruz pumanaw na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Archbishop Oscar Cruz pumanaw na
Inihayag ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na namayapa si Cruz, 85, dakong alas-6:45 ng umaga sa loob ng Cardinal Santos Hospital dahil sa “lingering illness”.
CBCP News

MANILA, Philippines — Pumanaw na si dating Lingayen-Dagupan Archbi-shop Oscar Cruz dahil sa karamdaman habang naka-ratay sa isang pagamutan sa San Juan City.

Inihayag ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na namayapa si Cruz, 85, dakong alas-6:45 ng umaga sa loob ng Cardinal Santos Hospital dahil sa “lingering illness”.

Si Cruz ay nagsilbi ring pinuno ng CBCP bago magretiro noong 2009. Sa kabila nito, patuloy na nagbibigay ng kaniyang pahayag si Cruz ukol sa mga isyu sa politika at relihiyon sa bansa.

Siya ang kauna-unahang Pilipinong rector ng San Carlos Seminary ng Archdiocese of Manila mula 1973 hanggang 1978, nagsilbing auxiliary bishop ng Maynila, archbishop ng San Fernando, bago naging archbishop ng Lingayen-Dagupan noong 1991.

vuukle comment

OSCAR CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with