Trabaho sa gobyerno, private construction projects dapat nang payagan - solon
MANILA, Philippines — Dapat payagan na ang pagtatrabaho sa government at private construction projects kasunod ng pagtatatakda ng kaukulang health, safety at security protocols, ayon kay House committee on public works and highways senior vice-chairman at Construction Workers Solidarity party-list Rep. Romeo Momo Sr.
Ayon kay Momo, sapul nang ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), sa hanay pa lamang ng infrastructure projects ng pamahalaan ay nasa P120 bilyon na ang nawawala sa local construction business.
Kung hahayaang magpatuloy, ito ay mayroong masama at direktang epekto sa inaasahang paglago ng ekonomiya ng bansa at may dala ring banta sa posibleng pagkawala ng nasa apat na milyong mga trabaho at iba pang livelihood opportunities.
Pagmamalaki ni Momo, ang construction sector ay tumaas ng 10.9 percent nitong 2019 at sa nakalipas na mga taon ay tuloy-tuloy na nagbibigay ng malaking ambag upang lalong tumatag ang ekonomiya ng bansa.
- Latest




















