^

Bansa

'Pag-aresto, pagbansag na CPP leader sa Tacloban journalist magsasapeligro sa media'

James Relativo - Philstar.com
'Pag-aresto, pagbansag na CPP leader sa Tacloban journalist magsasapeligro sa media'
Pagbabahagi pa ng Altermidya, nangyari ang mass arrest ilang araw matapos mapansin ni Cumpio na minamanmanan ang kanilang press office.
Mula sa Facebook ni Frenchiemae Cumpio

MANILA, Philippines — Binanatan ng ilang grupo ng mamamahayag, abogado't militante ang isinagawang pag-aresto sa reporter ng Eastern Vista at apat na human rights activists sa magkakasunod na raid, Biyernes nang umaga.

Sa pahayag ng Altermidya, sinabing kasama ang journo na si Frenchimae Cumpio sa mga dinakip kanina sa Lungsod ng Tacloban.

Si Cumpio ang executive director ng Eastern Vista, na nagsisibi ring radio anchor ng programang "Lingganay han Kamatuoran" sa Aksyon Radyo Tacloban.

Una nang ibinalita na nakapiit sila sa Palo Municipal Police Station para sa kasong illegal possession of firearms.

"Hindi makatarungang tinawag ng 8th IB ng Philippine Army na mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines si Cumpio, isang katawa-tawa at delikadong alegasyon na naglalagay sa iba pang mamamahayag sa komunidad gaya niya sa delikadong posisyon," sabi ng Altermidya sa Inggles.

Taong 1992 nang maging ligal ang CPP nang i-repeal ang Anti-Subversion Law sa bisa ng Republic Act 7636.

Giit ng alternative media outfit, lehitimong peryodista si Cumpio na nagbabalita ng paglabag sa mga karapatang pantao sa Eastern Visayas.

Ayon kay Renato Reyes Jr., secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan, alas-dos nang madaling araw nang salakayin ang kanilang opisina sa Kabisayaan nang mangyari ang hulihan.

"Kinukundena namin ang patuloy na panggigipit sa mga progresibong organisasyon at paggamit bilang armas ng batas para gawing krimen ang paglaban," sabi niya sa isang paskil sa Facebook.

"Kailangang tutulan ng lahat ng Pilipinong nagmamahal sa kalayaan ang atakeng ito sa pag-oorganisa at kalayaan sa pamamahayag." 

Ilan sa mga human rights activists na inaresto ay sina Marissa Cabaljao (tagapagsalita ng People Surge Network), Mira Legion (staff ng BAYAN-EV), at iba pang miyembro ng Rural Missionaries of the Philippines at Katungod.

Kilala ang People's Surge sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda, na malubhang tumama sa malaking bahagi ng Visayas ilang taon na ang nakalilipas.

Sabi naman ng Kilusang Mayo Uno, tinamnan lamang ng kapulisan ng ebidensya ang mga nabanggit upang makapagsampa ng mga "gawa-gawang kaso" at tinawag na iligal ang panghuhuli.

Bahagi pa rin daw ito ng ipinatutupad na Memorandum Order 32 at "whole of nation approach" sa bisa ng Executive Order 70 ng Palasyo, sabi nila.

Tumanggi munang magkomento ang Philippine National Police sa nangyaring pag-aresto.

"[W]e'll verify muna from PRO8 Tacloban," sabi ni PNP spokeseperson Brig. Gen. Bernard Banac sa panayam ng PSN.

Paniniktik at pananakot

Pagbabahagi pa ng Altermidya, nangyari ang mass arrest ilang araw matapos mapansin ni Cumpio na minamanmanan ang kanilang press office.

"Iniulat din niya na binubuntutan siya ng mga lalakiing lulan ng motorsiklo, na pinaniniwalaan niyang asset ng militar," wika pa nila.

Pagsapit ng ika-31 ng Enero, isang hindi pa nakikilalang tao ang diumano'y bumisita sa tanggapan ng Eastern Vista habang hawak ang litrato ng journo. 

Nagdala pa raw ng bugkos ng bulaklak ang tao, na ilang beses na raw ginagamit bilang death threat sa mga progresibong grupo.

"Kinukundena namin ang Leyte polie at mga elemento ng 8th IB para sa pinakabagong atakeng... Hangad namin ang kanilang agarang paglaya," sabi pa nila.

vuukle comment

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

FREEDOM OF THE PRESS

FRENCHIEMAE CUMPIO

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RED-TAGGING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with