^

Bansa

6-12 months loan moratorium sa nasalanta ng Taal eruption

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
6-12 months loan moratorium sa nasalanta ng Taal eruption
Ayon kay Binay, mababawasan ang dapat problemahin ng mga mamamayan na apektado ng pagsabog na may utang sa mga financial agencies ng gobyerno kung magpapatupad ng moratorium.
STAR/File

Apela sa GSIS, SSS, Pag-Ibig

MANILA, Philippines — Hnikayat ni Sen. Nancy Binay ang mga financial agencies ng gobyerno katulad ng GSIS, SSS, at PAG-IBIG Fund na magpatupad ng anim hanggang isang taong moratorium sa mga may utang na naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano.

Ayon kay Binay, mababawasan ang dapat problemahin ng mga mamamayan na apektado ng pagsabog na may utang sa mga financial agencies ng gobyerno kung magpapatupad ng moratorium.

Maging ang mga local government units aniya ay hindi muna dapat maningil ng mga penalties sa mga hindi makapagbayad ng buwis sa lupa at negosyo.

Umapela rin si Binay sa mga bangko ng gobyerno, lending agencies at financial institutions na ipagpaliban ang loan payments ng mga may utang sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity.

Ipinunto ni Binay na dapat magpakita ng awa sa mga naapektuhang residente at malaking bagay ang hindi muna paniningil ng kanilang utang.

Inilagay sa ilalim ng state of calamity ang probinsiya ng Batangas at Cavite.

vuukle comment

LOAN MORATORIUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with