^

Bansa

Chinese crew puwedeng kasuhan sa Philippines court

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Chinese crew puwedeng kasuhan sa Philippines court
“Philippines can sue the Chinese fishermen involved in the allision,” sabi ni Panelo.

MANILA, Philippines — Puwedeng papanagutin ng Pilipinas sa korte ang Chinese crew members na bumangga sa naka-angklang fishing boat na may lulang 22 Pinoy fishermen sa Recto bank, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“Philippines can sue the Chinese fishermen involved in the allision,” sabi ni Panelo.

Ito rin ang gustong mangyari ng boat captain na si Junel Insigne ng FB/ Gem-Ver 1 para sa mga Chinese crew na bumangga sa kanilang bangka.

Bukod sa pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting to damage to property sa korte ng Pilipinas ay puwede ring kasuhan ng paglabag sa section 19 ng UNCLOS kapag napatunayan sa imbestigasyon na sinadyang abandonahin ng mga Tsino ang 22 Pinoy fishermen.

Nilinaw din ni Pane­lo na walang hurisdiksyon ang Pilipinas para i-summon nito si Chinese Ambassador Zhao Jinhua kaugnay sa insidente.

Mismong si Pangu­long Duterte ang nagsabi kamakalawa na mas mabuting hintayin ang resulta ng ginagawang hiwalay na imbestigasyon ng Pilipinas at China hinggil sa insidente sa Recto Bank.

Samantala, mayroon nang pagdududa ang Malacañang dahil sa magkaibang bersyon ng kapitan ng bangka at cook hinggil sa pangyayari dahil sinasabi ng cook na posibleng hindi sila nakita ng Chinese fishing vessel taliwas sa pahayag ng kapitan na sinadya silang banggain.

“Yung mga bagong circumstances ay mga factors na nagre-raise ng doubts. Later on there are facts and circumstances unraveling we didn’t know at first…didn’t know only one member of the crew that was away at the time of the impact, the cook…Piñol has a transcript of interview,” dagdag pa ni Panelo.

vuukle comment

CHINESE CREW MEMBERS

PINOY FISHERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with