^

Bansa

Tag-ulan, papasok na sa first week ng Hunyo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tag-ulan, papasok na   sa first week ng Hunyo
Ayon kay PAGASA Deputy Administrator Flaviana Hilario, bagamat may mga pag-uulan na nararanasan ngayon sa bansa partikular sa Metro Manila, hindi pa rin sapat na criteria para ideklara ang rainy season.

MANILA, Philippines — Inaasahan na ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa unang linggo ng Hunyo.

Ayon kay PAGASA Deputy Administrator Flaviana Hilario, bagamat may mga pag-uulan na nararanasan ngayon sa bansa partikular sa Metro Manila, hindi pa rin sapat na criteria para ideklara ang rainy season.

Anya, para masabing tag-ulan na, kailangang ang dami ng ulan na naitatala sa kanlurang bahagi ng bansa ay aabot ng hanggang 25 millimeters sa loob ng limang araw at ang habagat ay dapat na maging dominant wind system.

Sa Hunyo, ang mga pag-uulan sa pangkalaha­tang bahagi ng bansa ay normal maliban sa Apayao, bahagi ng Ilocos region, Cagayan, Tarlac at Zambales na nakakaranas ng below normal conditions ng pag-ulan.

Sa Hulyo, normal din ang kondisyon ng pag-uulan sa Luzon at Visayas at below normal naman sa maraming bahagi ng Mindanao at southern Visayas.

Umaasa rin ang PAGASA na dahil sa pagpasok ng rainy season ay tataas na ang water level sa mga dam sa bansa.

vuukle comment

FLAVIANA HILARIO

RAINY SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with