^

Bansa

‘Wikang Filipino pinapatay ng mga paaralan’- KWF

Angie dela Cruz, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
‘Wikang Filipino pinapatay ng mga paaralan’- KWF
Kinatigan ng Korte Suprema ang utos ng Commission on Higher Education (CHED) na huwag nang gawing core o required subject ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo dahil itinuturo na ito sa primary at secondary education.
File

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) Chairman at national artist Virgilio Almario na hindi pinapatay ng Korte Suprema ang Filipino sa desisyon nitong alisin ito at ang Panitikan sa core subjects sa kolehiyo.

Kinatigan ng Korte Suprema ang utos ng Commission on Higher Education (CHED) na huwag nang gawing core o required subject ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo dahil itinuturo na ito sa primary at secondary education.

Sinabi naman ni Almario na ang pumapatay sa pambansang wika ay ang mga paaralang kusang nagtanggal na ng Filipino bilang subject at pumili sa ingles bilang medium of instruction.

“Wala namang sinabi ang Supreme Court na patayin ang Filipino. So yung pumapatay, hindi yung Supreme Court kundi yung mga administrador ng colleges and universities. Tayo naman ay hindi laban sa Ingles. Pero yung tinututulan natin ay yung pangyayari na Ingles lang ang kailangang maging medium of instruction,” dagdag pa ni Almario.

Idiniin pa ni Almario na malinaw na nakasaad sa Konstitusyon na dapat pagyamanin ang pambansang wika.

Inulan din ng batikos mula sa iba’t-ibang sektor ang desisyon ng Korte Suprema na tanggalin ang Filipino at Panitikan bilang mga subject sa  College.

Ayon sa grupong ACT-Philippines, ang hakbang ay bagong dagok sa makabayang edukasyon sa Pilipinas.

Ayon sa ACT-Philippines, ang mga asignaturang ito na tinanggal ng gobyerno sa kurikulum ay di hamak na mas makabuluhan at huwaran ng mamamayan kaysa sa  bulok, militarista, at pasistang asignaturang ROTC na ngayon nga’y muling ipinapataw sa senior high school.

Nanawagan naman ang grupong Tanggol Wika sa Commission on Higher Education (CHED) at sa mga administrator ng Colleges and Universities na isantabi muna ang pagpapairal sa desisyon ng Korte Suprema. Anila, magsasampa sila ng ikalawang motion for reconsideration para resolbahin ang hakbang.

KOMISYON NG WIKANG FILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with