^

Bansa

Napoles humiling na ‘wag ilipat sa Correctional

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Napoles humiling na  �wag ilipat sa Correctional
Sa inihaing very urgent motion for reconsideration ni Napoles sa 1st Division ng Sandiganbayan, nakasaad dito na manganganib ang buhay niya kapag ikinulong sa CIW.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Hiniling ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles na huwag siyang ilipat sa Correctional Institute for Women (CIW) at manatili na lang sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sa inihaing very urgent motion for reconsideration ni Napoles sa 1st Division ng Sandiganbayan, nakasaad dito na manganganib ang buhay niya kapag ikinulong sa CIW.

Ito umano ay base sa kanyang naging karanasan noong siya ay nakulong noon sa CIW.

Kung maaalala, pinalilipat ng Sandiganbayan si Napoles sa Correctional matapos siyang hatulang guilty sa kasong plunder kaugnay sa PDAF scam ni dating Sen. Bong Revilla.

Nakulong na si Napoles sa CIW noong April 2015 hanggang May 2017 dahil sa kasong serious illegal detention pero nailipat din sa BJMP facility sa Camp Bagong Diwa.

Samantala, nilinaw naman ni Atty. Ramon Esguerra, abogado ni Revilla na hindi kabilang ang dating senador sa inaatasan ng Sandiganbayan na isauli ang P124 milyon para sa civil liabilities matapos na abswelto sa kasong plunder.

Giit ni Esguerra, malinaw sa dispositive portion ng anti-graft court na ang mga napatunayang guilty lamang tulad ni Napoles at Atty. Richard Cambe ang siyang magbabalik ng naturang halaga.

vuukle comment

CORRECTIONAL INSTITUTE FOR WOMEN

JANET LIM-NAPOLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with