^

Bansa

Medal of Valor mas mahalaga kaysa Rolex

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Medal of Valor mas  mahalaga kaysa Rolex
Ayon kay Lacson, walang kapalit ang Medal of Valor na ibinibigay lamang sa mga sundalong magiting na nagtanggol sa bayan at nagpakita ng pambihirang kabayanihan.

MANILA, Philippines — Naniniwala si Senator Panfilo “Ping” Lacson na  para sa mga sundalo, hindi maaring tapatan ng mamahaling relong Rolex ang Medal of Valor na puwedeng ipagkaloob sa kanila.

Ayon kay Lacson, walang kapalit ang Medal of Valor na ibinibigay lamang sa mga sundalong magiting na nagtanggol sa bayan at nagpakita ng pambihirang kabayanihan.

Sinabi ni Lacson na pangarap ng bawat sundalo na mabigyan ng Medal of Valor kaysa makatanggap ng Rolex.

Napaulat na balak umano ng Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng relong Rolex ang mga sundalong gagawaran ng Medal of Valor.

Sinabi ni Lacson na hindi basta-bastang nakakamtan ng isang sundalo ang Medal of Valor kaya ito ay itinuturing na sagrado at halos wala nang katapat na halaga ng anumang materyal na bagay.

vuukle comment

MEDAL OF VALOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with