^

Bansa

Ex-NSA adviser Golez inilibing na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-NSA adviser Golez inilibing na
Kasabay ng mga pag-ulan ay bumuhos din ang emosyon mula sa kaniyang pamilya, kaibigan, kapwa mambabatas, mga opisyal ng gobyerno at mga natulungan ni Golez.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Inihatid na kahapon sa kaniyang huling hantungan si dating National Security Adviser at dating Parañaque representative Roilo Golez sa Heritage Park, Taguig City.

Kasabay ng mga pag-ulan ay bumuhos din ang emosyon mula sa kaniyang pamilya, kaibigan, kapwa mambabatas, mga opisyal ng gobyerno at mga natulungan ni Golez.

Ang namayapang opisyal ay binigyan pa ng gun salute at full military honors para sa kaniyang serbisyo sa Philippine Navy bilang Naval Captain.

Si Golez ay binawian ng buhay matapos itong ma-cardiac arrest nitong Hunyo 11 sa edad na 71. 

Umupo bilang kongresista ng Parañaque City si Golez mula 1992 hanggang 2001 bago nanungkulan bilang security adviser ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001 hanggang 2004.

vuukle comment

ROILO GOLEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with