^

Bansa

Kaso ng Talitay Mayor aprub sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng  Office of the Ombudsman  ang kaso ni   dismissed Mayor Montasir Sabal ng Talitay, Maguindanao  matapos makakita ng probable cause hinggil sa pagkabigo nitong  magdeklara ng kanyang assets at business interests sa kanyang  Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) mula taong 2011 hanggang  2015.

Ayon sa Ombudsman, si  Sabal ay nahaharap sa 5 counts sa bawat isang paglabag sa Section 8 ng  Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at Section 7 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa  Sandiganbayan.

Sa record ng  Ombudsman, si  Sabal ay bigong maisama sa kanyang SALN ang  13 armas, 4 na sasakyan tulad ng  Hummer, Ford Ranger, Toyota Land Cruiser, at  Toyota Hilux; at apat na business interests  sa bayan ng Datu Odin Sinsuat at Talitay, Maguindanao.

Hindi rin umano naideklara ni Sabal ang halaga ng biniling mga lupain sa kanyang SALN.

Hindi naman pinaniwalaan ng Ombudsman ang pahayag nitong hindi naisama ng kanyang tauhan ang mga armas sa naideklarang pag-aari sa kanyang SALN.

vuukle comment

MONTASIR SABAL

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with