^

Bansa

Comelec Chair Bautista nag-resign

Doris Borja at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Comelec Chair Bautista nag-resign

Bautista

MANILA, Philippines — Nagbitiw na bilang Commission on Elections  (Comelec) Chairman si Andres “Andy” Bautista. 

Sinabi ni Bautista na ang kanyang personal na problema ay nakakaapek­to sa kanyang trabaho kaya’t naisipan na niyang mag-resign.

Kinumpirma rin ni Bautista na nagpadala na ito ng resignation letter kay Pangulong Duterte pero hindi pa niya personal na nakakausap ang Presidente kaugnay ng natu­rang isyu.

“It is with deep sadness that I am informing you about my decision to resign as the Chair of the Commission on Elections by the end of the year,” nakasaad sa resignation letter ni Bautista.

Aniya, kahit epektibo pa sa Disyembre 31 ang kanyang pagbaba sa puwesto ay kinakailangan na niyang isumite ang kanyang resignation letter para magkaroon ng smooth transition dahil kailangan pa ng Pangulo na mamili ng papalit sa kanya sa puwesto.

Bukas naman umano si Bautista na makausap ang Pangulong Duterte kaugnay ng pagbibitiw nito sa puwesto.

Buo rin ang paniwa­la ng Comelec chair na nagampanan niya ng ma­ayos ang kanyang trabaho sa komisyon dahil sa tulong ng kanyang mga kasamahan.

Kasabay nito nagpa­salamat si Bautista sa mga empleyado ng Co­melec dahil sa ipinakita nilang suporta at pagmamahal sa kanya.

Sa kinakaharap naman na mga kontrobersiya ay nakahanda raw ang Comelec chair na harapin ang mga ito sa tamang lugar.

Nirerespeto naman ng Malacañang ang naging desisyon ni Bautista.

“We respect the decision of Chairman Andy Bautista. We wish him well,” sabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with