^

Bansa

Sen. Bongbong Marcos kinasuhan ng plunder

Angie Delfino - Pilipino Star Ngayon

Isinampa sa Ombudsman sa P205-M pork barrel scam 

MANILA, Philippines – Kinasuhan ng plunder sa tanggapan ng Ombudsman ng grupong iBalik ang Bilyones ng Mamamayan (iBBM) si Senador Bongbong Marcos dahil sa umano’y multi-billion peso pork barrel scam.

Sa 18-pahinang rek­lamo, sinabi ni IBBM spokesperson Rafa­ ela David, si Marcos at kanyang dating consultant na si Catherine Mae “Maya” Santos at umano’y utak ng pork barrel scam Janet Lim-Napoles ay dapat na mabusisi dahilan sa pag­labag sa  Republic Act 7080 o ang Anti-Plunder Law.

Sinasabing ang rek­lamo ay nag-ugat sa uma­no’y paglalaan ni Marcos ng kanyang P205 million PDAF o pork barrel sa sina­sabing pekeng NGO ni Napoles mula October 2011 hanggang January 2013.

Ang kasong plunder kay Marcos ay naisampa kahapon makaraan ang dalawang taong pagsasampa ng kasong plunder sa kapwa senador na sina Senators Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla Jr. at Jinggoy Estrada na kinasuhan na sa Sandiganbayan dahil sa PDAF scam.

Sa reklamo ng iBBM ay isinama sa affidavit ang printed copies ng files mula sa ledger ni Benhur Luy, ang star witness sa PDAF scam.

Ang pagsasampa ng kaso kay Marcos ay ginawa may ilang linggo na lamang bago ang halalan kung saan kumakandidato itong Vice President.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with