^

Bansa

Digong-Alan mag-aabogado sa inulila ng SAF

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magsasanib puwersa sina Senate Majority Leader Alan Peter Ca­yetano at Davao City Mayor Rodrigo Duterte upang tulungan ang mga balo at pamilya ng PNP-Special Action Force (SAF) commandos na napatay sa Mamasapano tragedy noong Enero.

Ang dalawang opisyal ang nanguna kahapon sa pagbubukas ng “23rd Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines (AFAD) Defense and Sporting Arms Show” sa SM Megamall sa Ortigas.

Pagkatapos ng nasabing event, nag-tanghalian sina Cayetano at Duterte kasama ang pamil­ya ng mga napatay na SAF troopers.

Nakatakda sanang dumalo kahapon ang pa­milya ng mga napaslang na SAF 44 sa preliminary investigation na itinakda ng Department of Justice (DOJ) pero nakansela ito dahil sa paghahanda sa APEC Summit sa susunod na linggo.

Pero sentimyento ng pamilya, ipinagbigay alam sa kanila ang kanselasyon isang araw lamang bago sana ang premilinary hearing at ang karamihan sa kanila ay nakaluwas na ng Maynila.

Kapwa naman nagpahayag ng simpatiya sina Cayetano at Duterte sa pamilya ng SAF at nangako na ipagpapatuloy ang pagtulong sa kanila.

Nangako rin si Duterte na magbibigay ng libreng legal services sa pamilya ng mga namatay na SAF commandos.

“Tutulungan namin kayo at hindi namin kayo pababayaan. Hanggang nandito si Alan, kung ano ang gawin niya ay susunod ako sa kanya,” ani Duterte sa pamilya.

Samantala, nauna ng nanawagan si Cayetano sa gobyerno na madaliin ang imbestigasyon upang mabigyan ng hustisya ang mga namatay na miyembro ng SAF.

Matatandaan na du­malo si Duterte sa birthday celebration ni Caye­tano sa Taguig City noong Lunes ng gabi kung saan siya ang naging guest of honor at muling natanong tungkol sa posibleng pagtakbong pangulo ng bansa sa 2016.

Bilang reaksiyon, sinabi ni Duterte na ipapaubaya niya ang nasabing usapin sa kanyang kapalaran at sa Diyos.

Sinabi naman ni Ca­yetano na ipagpapatuloy niya ang pagkumbinsi kay Duterte upang magbago ang isip nito dahil ito ang nakikita niyang magiging daan upang magkaroon ng tunay na pagbabago sa bansa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASSOCIATION OF FIREARMS AND AMMUNITION DEALERS OF THE PHILIPPINES

CAYETANO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DEFENSE AND SPORTING ARMS SHOW

DEPARTMENT OF JUSTICE

DUTERTE

SENATE MAJORITY LEADER ALAN PETER CA

SPECIAL ACTION FORCE

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with