^

Bansa

Epektibong mass transport system panukala ni Leni

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang solusyon sa lumulubhang problema sa trapiko, ipinanukala kahapon ni Rep. Leni Rob­redo ang pagkakaroon ng epektibo at mabisang mass transport system sa Metro Manila.

“Ang Metro Manila, kailangan ng efficient mass transport system. Iyon naman ang pinaka-sikreto ng lahat ng lugar,” wika ni Robredo.

Kabilang sa mga sinasabi ni Robredo ang magandang serbisyo ng MRT, LRT, pati na rin ng Philippine National Railways (PNR).

Kilala si Robredo na sumasakay ng pampublikong bus sa pauwi sa kanyang bayan sa Naga at pagbalik sa Maynila.

Wala mang problema sa kanya ang pagsakay ng bus, iginiit naman ni Robredo ang panga­ngailangan na maglagay ng diversion road gaya ng NLEX o SLEX na mas magpapadali ng biyahe sa katimugang bahagi ng Luzon.

“Iyong papunta sa amin, sana magkaroon ng diversion road. Ang pauwi sa amin, kaya tumatagal ang biyahe dahil dumadaan kami sa lahat ng munisipyo ng Quezon at ibang munisipyo ng Laguna,” wika ni Robredo.

“Tuwing Mayo kapag maraming piyesta, umaabot ang biyahe ng 16 hours,” dagdag  niya.

Nakita ni Leni ang ginhawa ng pagkakaroon ng diversiotn road nang bumiyahe siya patungong La Union kamakailan, kung saan dumaan sila sa NLEX, SCTEX at TPLEX.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG METRO MANILA

BILANG

IYON

LA UNION

LENI ROB

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

ROBREDO

TUWING MAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with