^

Bansa

Bilang gamot sa malulubhang sakit: Paggamit ng marijuana sinuportahan ng CBCP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Suportado ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagsusulong ng panukalang batas sa Kongreso sa pagsasaligal ng paggamit ng marijuana cannabis bilang medical use.

Batay sa pastoral statement ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dapat isaalang-alang ang moral limitations at ethical use sa pagsasaligal ng paggamit ng marijuana o cannabis para sa mga ma­lulubhang karamdaman.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na maituturing na morally irresponsible ang paggamit nito kung gagawing libangan at pansariling kaligayahan.

Idiniin pa ng CBCP na pinapayagan ng Simbahan ang paggamit ng mga narcotics drugs tulad ng cannabis o heroin upang ibsan ang matin­ding sakit na nararamdaman ng mga may mala­lang sakit.

Subalit iginiit ng Arsobispo na laging ipinaaalala ng Simbahan na maging malakas ang awtoridad at lipunan upang mabantayan at mapigilan ang pang-aabuso sa paggamit ng mga ito.

Layuning ng guidelines na ito, ayon sa CBCP, na mabigyang gabay ang mga mambabatas at iba pang nasa regulatory agency, mga health wor­kers maging Katoliko man o hindi hinggil sa usapin ng ethical and moral principles ng pagpasa ng panukalang batas.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARSOBISPO

BATAY

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

IDINIIN

IPINALIWANAG

KATOLIKO

KONGRESO

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP SOCRATES VILLEGAS

SIMBAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with