^

Bansa

Palyadong MRT-LRT dahil sa murang pamasahe – Malacañang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang noo'y murang pamasahe sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit (MRT-LRT) ang nakikitang dahilan ng Malacañang sa sunud-sunod na aberyang inaabot nito.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na nasisira ang mga tren dahil sa dami ng mga pasahero, lampas sa kaya lamang nito.

Dagdag niya hindi sapat ang kinikita ng mga tren sa ginagastos para sa maintenance ng mga ito.

"Kung tatanungin natin ang mga eksperto, isa sa mga dahilan kung bakit sumobra 'yung patronage diyan ay hindi maayos 'yung fare structure natin sa iba't ibang alternative modes of public transportation," paliwanag ng tagapagsalita.

"Masyadong naging mura, comparatively speaking, ‘yung singil sa MRT-LRT na way below the cost that is needed na para ma-maintine ito," dagdag niya.

Nitong Enero ay ipinatupad ng gobyerno ang mas mataas na pamasahe na anila'y gagamitin para sa maitenance ng mga tren.

"Ginawa ng administrasyon 'yung nararapat, 'yung ipinatupad 'yung dapat na maging fare structure," sabi ni Coloma.

"Iyan naman ang sinasaad sa ating Philippine Development Plan, na 'yung mga users ng serbisyo ang siyang dapat na magbayad ng na halaga.”

vuukle comment

COLOMA

COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA JR.

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

NITONG ENERO

PHILIPPINE DEVELOPMENT PLAN

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with