^

Bansa

2 Pinoy patay, 16 pa missing barko lumubog

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang tripulanteng Pinoy ang nasawi habang 16 pa ang nawawala at isa ang nasagip nang lumubog ang kanilang sinasak­yang barko sa katimugang bahagi ng Vietnam noong Biyernes.

Base sa report ng Vietnam-based news website Tuoitrenews.com, narekober ang dalawang katawan habang isa ang na-rescue nang tumaob hanggang sa lumubog ang cargo ship Bulk Jupiter, may 150 nautical miles sa karagatan ng Vietnam noong Enero 2.

Nabatid na lulan ng barko ang may 19 Pinoy crew at may kargang 46,400 metric tons ng bauxite nang umalis ito sa Kuantan, Malaysia noong Disyembre 30 patungong China.

Isang distress call ang natanggap ng Japanese Coast Guard mula sa Bahamas-flagged ship Bulk Jupiter at agad na nagsagawa ng search and rescue operations sa nasabing lugar.

Maging ang Vietnamese national rescue committee ang nagpadala ng rescue teams sa site upang tumulong sa paghahanap sa mga crew na nawawala nang makatanggap sila ng emergency signals mula sa naturang barko bandang alas-9:41 ng umaga noong Biyernes.

Isang lifeboat na walang laman at life raft ang natagpuan ng isang barko na tumutulong sa search and rescue ope­rations sa lugar.

Sa statement ng Gearbulk, may-ari ng lumubog na barko, ipi­nagpapatuloy ang pag­hahanap sa pangu­nguna ng Singapore Ma­ritime Rescue Coordination Center sa mga nawawalang Pinoy.

Habang sinusulat ang ulat na ito, wala pang kumpirmasyon ang Department of Fo­reign Affairs kaugnay sa nasabing paglubog ng barko.

vuukle comment

BIYERNES

BULK JUPITER

DEPARTMENT OF FO

ISANG

JAPANESE COAST GUARD

PINOY

RESCUE COORDINATION CENTER

SHY

SINGAPORE MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with