^

Bansa

Nasawi kay Mario pumalo sa 10

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumalo na sa 10 katao ang nasawi sa panana­lasa ng bagyong Mario.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon, alas-6 ng umaga kahapon, pito ang nasawi sa pagkalunod habang dalawa ang nakuryente at isa ang nabagok ang ulo.

Pito pa ang naitalang sugatan dahil kay Mario at ginagamot sa iba’t ibang ospital sa kanilang nasasakupan.

May kabuuang ­118,188 pamilya o 840,368 indibidwal naman ang naapektuhan ng bagyo sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 7, CAR at NCR, at halos 42,900 pamilya pa ang nananatili sa 379 evacuation centers.

Umabot naman sa mahigit P144 million ang napinsala sa agrikultura at imprastraktura. Habang nasa 600 kabahayan ang nasira kabilang ang 10 bahay na tuluyang nawasak.

Sa kasalukuyan, nasa 75 na kalsada at tatlong tulay ang hindi madaanan ng mga sasakyan dahil sa landslide at baha.

Binanggit naman ni NDRRMC Executive Director Usec. Alexander Pama na patuloy pa rin ang relief operations sa mga naapek­tuhan ng bagyo.

Samantala, tuluyan nang humina ang bagyong Mario habang patungo ito sa Southern part ng bansang Taiwan.

vuukle comment

ALEXANDER PAMA

AYON

BINANGGIT

EXECUTIVE DIRECTOR USEC

HABANG

MARIO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PITO

PUMALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with