^

Bansa

Taal at Mayon muling nag-alburoto

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nag-alburoto kahapon ang bulkang Taal matapos makapagtala ng tatlong volcanic earthquakes sa paligid nito sa nakalipas na 24-oras.

Ayon sa Philippine Insti­tute of Volcanology and Seismology (Phi­volcs), nakapagtala din ng pagbaba ng lebel ng tubig sa paligid ng bulkan mula sa 0.39 meter ay naging 0.35 meter ito.

Patuloy na nakataas sa alert level 1 ang Taal at pinaalalahanan ang publiko na nana­natiling off-limits ang paglapit sa bulkan dahil sa banta ng pagsabog at mataas na konsentrasyon ng toxic gases.

Nagbabala rin ang Phivolcs sa publiko na nananatiling nasa Permanent Danger Zone (PDZ) ang paligid ng Taal at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtayo ng bahay malapit dito.

Nakapagtala naman ng dalawang volcanic earthquake sa paligid ng Mayon kahapon.

Nasa alert level 1 pa rin ang paligid ng bulkan dahil sa abnormal na kondisyon nito.

Mahigpit ding ipi­nagba­bawal ang pagpasok sa 6-kilo­meter radius PDZ sa paligid ng bulkan dahil sa banta ng pagsa­bog.

vuukle comment

AYON

MAHIGPIT

MAYON

NAGBABALA

NAKAPAGTALA

PERMANENT DANGER ZONE

PHILIPPINE INSTI

SHY

VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with