^

Bansa

Nambugbog kay Vhong, napigilan ang pagtakas

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pinayagan makasakay ng eroplano matapos pigilin ng mga awtoridad ang isa sa mga sinasabing nambugbog sa actor na si Vhong Navarro makaraang magtangka itong lumabas ng bansa patungong Hongkong, kahapon ng umaga.

Ayon sa impormasyon, isang Ferdinand Guerrero ang sasakay sana ng eroplano ng Cebu Pacific sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, nang sinabihan ito ng mga immigration officer na may  ‘look out order’ para sa kanya galing sa Department of Justice.

Nagkaroon pa umano ng sagutan sa panig ng immigration official at ni Guerrero pero ng lumaon ay nagdesisyon na lamang itong umalis ng paliparan.

Matatandaan na noong Sabado ay aalis din sana ng bansa si Cedric Lee matapos itong magpa-booked sa Cebu Pacific papuntang Dubai pero ang nasabing booking ay agad kinansela.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), nakitaan ng  probable cause para ipagharap ng sakdal sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Bernice Lee, kapatid ni Cedric, Guerrero,  Simeon Raz, Jose Paolo Calma, at Jed Fernandez sa kasong serious illegal detention at grave coercion.

Ang nasabing kaso ay walang piyansa kaya tinatangka ng mga akusado na tumakas palabas ng bansa.

 

vuukle comment

AYON

BERNICE LEE

CEBU PACIFIC

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

FERDINAND GUERRERO

GUERRERO

JED FERNANDEZ

JOSE PAOLO CALMA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with