^

Bansa

Mataderong kumatay sa ka-live-in, timbog

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Natimbog na ng awtoridad ang isang matadero na pumaslang sa kanyang kinakasama sa kanilang inuupahang kuwarto sa lungsod Quezon nitong nakaraang linggo.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, nasa kustodiya na nila ang suspek na si Alberto Balde­, 37, na nanini­rahan sa Dumaguete.

Sabi ni Capili, na­dakip na ang suspek ng mga operatiba ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation Unit (QCPD-CIDU) sa ginawang follow-up ope­rations alas-3 ng hapon sa may Caloocan City kung saan siya tumutuloy kasama ng kanyang mga kababayan.

Si Balde ang itinuturong suspek sa pana­naksak at pagpatay sa kanyang live-in-partner na si Donnabelle Gamayon, 30, noong nakaraang linggo alas- 8:30 ng gabi sa may  Sampaguita St., Maligaya Park Subdivision, Brgy. Pasong Putik.

Maaalalang ang biktima ay natagpuang naliligo sa sarili nitong dugo makaraang pagsasaksakin ng suspek dahil sa selos.

vuukle comment

ALBERTO BALDE

CALOOCAN CITY

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DONNABELLE GAMAYON

HERMOGENES CAPILI

MALIGAYA PARK SUBDIVISION

PASONG PUTIK

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAMPAGUITA ST.

SI BALDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with