^

Nagpatayan dahil sa lupain

Ed Casulla (The Philippine Star) - September 6, 2013 - 12:00am

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kamatayan ang  kapalit ng pakikipag-away sa sinasabing boundary ng lupain matapos pagta­tagain ang isang misis ng kanyang kapitbahay na magsasaka kung saan malubha namang nasugatan ang kanyang mister kahapon ng umaga­ sa Barangay Baras, bayan ng Espe­ranza, Masbate.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Elvira Aropo habang kritikal naman ang mister nitong si Ronie Aropo na naisugod sa Cataingan District Hospital. Samantala, tugis­ naman ng pulisya ang suspek na si Cristeno Casol Sr.

Nabatid na  kinomprotna ng suspek ang babaeng biktima kaugnay sa boundary ng kanyang lupain na kinatitirikan ng kanyang bahay.

Dito na humantong sa sigawan ang mainitang komrprontasyon hanggang sa pagtatagain ng suspek si Elivra kung saan sumaklolo naman ang mister nito kaya naman pinagtataga rin.

BARANGAY BARAS CATAINGAN DISTRICT HOSPITAL CRISTENO CASOL SR. DITO ELIVRA ELVIRA AROPO KAMATAYAN KINILALA RONIE AROPO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with