^

Bansa

Pag-abolish sa SK gahol na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat noon pa inabolish ang Sangguniang Kabataan (SK) upang nakagawa na rin ng batas para sa pagkansela ng SK elections.

Sinabi ni Dasmariñas, Cavite Rep. Elpidio Barzaga, marami ng kabataan ang nagpahayag ng intensyon na tumakbo para sa darating na eleksyon sa Oktubre at madidismaya umano ang mga ito sakaling hindi matuloy.

Bukod dito, inanunsiyo na rin ng Comelec na magsisimula ang registration ng mga kabataaan sa Hulyo 22.

Paliwanag ni Barzaga, gahol na rin sa panahon para gumawa ng batas na magkakansela sa SK elections. Dahil dito kayat inirekomenda ng mambabatas na ituloy na lang ang eleksyon sa Oktubre at pagkatapos ay saka na lamang gawin ang pag-amyenda sa Local Government Code.

Samantala, naghain naman si Caloocan 2nd DIstrict Rep. Egay Erice ng panukalang batas na nag-a-abolish sa SK at kanselasyon sa election nito sa Oktubre.

Layunin ng House Bill 1122 na amyendahan ang Republic Act 7160 o ang Local Government Code para i-abolish ang SK na nauna na rin nitong inihain noong 11th Congress.

Sa halip, itinatakda ng panukala ang pagbuo ng Barangay Youth Council na pamumunuan ng pinakabatang nahalal na miyembro ng Sangguniang Barangay habang itatalaga naman ang apat na committee chairmen subalit wala silang kompensasyong tatanggapin.

vuukle comment

BARANGAY YOUTH COUNCIL

CAVITE REP

EGAY ERICE

ELPIDIO BARZAGA

HOUSE BILL

LOCAL GOVERNMENT CODE

OKTUBRE

REPUBLIC ACT

SANGGUNIANG BARANGAY

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with