^

Bansa

Sa pagpasok ng China sa Phl ‘Tulong ng US hingin na’ - Solon

Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umapela ang oposisyon sa Kamara kay Pangulong Noynoy Aquino na hingin na ang tulong ng Estados Unidos para matapos na ang panghihimasok ng China sa Ayungin shoal at iba pang isla na sakop na teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez ito ay dahil sa kahit idaan pa umano sa arbitration ang problema sa China ay wala din itong kahihinatnan kung hindi kikilalanin ng China ang resulta nito.

Bukod dito, wala rin uma­nong mapupuntahan ang Pilipinas kundi humingi ng tulong sa Amerika dahil sa ngayon ay wala naman tinatawag na umbrella of protection ang Pilipinas.

Iminungkahi pa ni Suarez na maaari naman magdaos ng war games malapit sa Ayungin Shoal ang mga sundalong Pinoy at Kano bilang bahagi ng Balikatan Military exercises.

Ayon pa kay Suarez, isang strategic error ang pagpapawalang saysay sa Philippine-US Bases treaty ng mga mam­babatas dahil nawala sa bansa ang permanenteng presensya ng US forces.

Kaya dapat umanong pag aralan ang pagbabalik ng US forces sa bansa subalit kaila­ngan munang amyendahan ang Saligang Batas.

vuukle comment

AMERIKA

AYUNGIN SHOAL

BALIKATAN MILITARY

ESTADOS UNIDOS

HOUSE MINORITY LEADER DANILO SUAREZ

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PILIPINAS

SALIGANG BATAS

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with