^

Bansa

$87 milyong investment naiuwi ni Marcos mula APEC Summit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
$87 milyong investment naiuwi ni Marcos mula APEC Summit
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on November 20, 2026
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Naiuwi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tinatayang $87 milyong pamumuhunan mula sa kanyang pagdalo sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Shenzhen, China.

Sa kanyang social media post, sinabi ng Pangulo na nakakuha siya ng naturang investment para sa pagtatayo ng isang manufactu­ring facility sa Alitagtag, Batangas.

Ito ay matapos ang kanyang pakikipagpulong sa C&U Group, na magtatayo ng integrated manufacturing facility sa lalawigan.

Ang kumpanya ay gumagawa ng mga bearing para sa mga sasak­yan at iba pang bearing components.

Inaasahang lilikha rin ang proyekto ng mga trabaho para sa mga Pilipino.

“Electric vehicles are becoming an increasingly important part of the future of transportation, and we want the Philippines to be part of that transformation,” ani Pangulong Marcos.

Ayon pa sa Pangulo, ang pamumuhunang ito ay isang matibay na vote of confidence sa Pilipinas bilang isang manufacturing destination.

Kapag nagsimula na ang operasyon ng pasilidad, maaari itong maging pinakamalaking production base ng C&U Group sa labas ng China.

Dagdag pa ng Pa­ngulo, ito rin ang magiging nag-iisang manufacturing facility ng kumpanya sa labas ng Southeast Asia.

APEC

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with