^

Bansa

PNoy may birthday wish kay Bam

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Sana’y patuloy kang maging inspirasyon ng mga kabataan.”

Ito ang kahilingan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang mensahe para sa ika-36 na kaarawan ng pinsan niyang si Benigno “Bam” Aquino na isa sa mga kandidatong senador ng Tean PNoy.

Sa kanyang mensahe, itinampok ng Pangulo ang pagsasabuhay ni Bam sa paniniwalang tunay na makakabangon ang Pilipinas sa pagbubuklod-buklod at pagtulong sa kapwa. Tinuran niya ang pagsasabuhay ni Bam dito sa lahat adbokasya nito mula pagkabata tulad ng pagtatatag ng una nitong micro-enterprise na tunay na nakatulong sa maraming Pilipino.

“Sa iyong kaarawan at sa marami pang kaarawan na susunod-nananalig ako na lalalim pa ang iyong karunungan, habang ipinagpapatuloy mo ang iyong pagsulong ng reporma at pagbabago. Nawa’y maging inspirasyon ka sa mas marami pang mga kabataang Pilipino, para maging bahagi sila ng ating batas na isulong ang makabuluhang pagbabago sa ating bayan,” sabi pa ng Pangulo sa kanyang mensahe kay Bam.

Si Bam Aquino ay isang multi-awarded student at youth leader at pitong taon nang nakababad sa mga mahihirap na komunidad para iangat ang kita at kabuhayan ng mga pinakamaliliit na negosyante sa pamamagitan ng access to credit, markets, training, at support services.

 

vuukle comment

AQUINO

BENIGNO

NAWA

NOYNOY

PANGULO

PANGULONG BENIGNO

PILIPINO

SI BAM AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with