TUCP nag-alok ng partnership
MANILA, Philippines - Sa halip na ang mga tradisyunal na aktibidad sa Labor Day, nag-aalok ng partnership ang Trade Union Congress of the Philippines-International Trade Union Confederation (TUCP-ITUC) sa mga industriya para magkatulong na maresolba ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa.
Nakikipag-partner ang TUCP-ITUC sa mga indusÂtry leaders upang agad makalikha ng mga trabaho para sa kabataan at maiangat ang industry standards para sa labor and employment.
Sa press conference sa Maynila kahapon, sinabi ni TUCP-ITUC President at dating Senator Ernesto F. Herrera, na ang demands mula sa labor sector at ang mga napapakong pangako ng gobyerno ay naging predictable scenarios sa taunang selebrasyon ng Labor Day.
Aniya, ang mga manggagawa ang backbone ng bansa kaya hindi dapat silang hayaang manatiling naghihirap dahil lamang sa kawalan ng kinakailangang aksyon.
“The government should be more aggressive and imaginative in addressing the problems of high unemployment and ever increasing poverty incidence,†ani Herrera.
Ang January 2013 NSO labor force survey ay nagpapakita na ang 40.8 million Filipinos sa labor force, kabuuang 7.93 million Filipinos o katumbas ng 20.9% ay underemployed, habang ang 2.9 million o 7.1% ay unemployed.
Iniulat pa ng National Statistical Coordination Board (NSCB) na nananatili ang kahirapan mula noong 2006 hanggang 2012.
- Latest


















